REFLECTION FOR THE DAY

< All Reflections

MARCH 23 REFLECTION

Gamblers Anonymous teaches us, through the experience, strength, and hope of its Fellowship, that the worst situation imaginable does not warrant a return to gambling. No matter how bad a particular situation or set of circumstances, the return to our old ways for even a minute will assuredly make it worse. Am I grateful for the caring and sharing of the Program?

Today I Pray
May I insist that no stone can be heavy enough to drag me back down into the pool of my addiction. No burden, no disappointment, no blow to pride or loss of human love is worth the price of returning to my old way of life. When I harbor thoughts that life is too much for me, that no one should be expected to take so much and still remain sane or that I am the fall guy, let me listen for the tone of my complaints and remember that I have heard that whine before—before I concluded that I was powerless over gambling and gave my will over to the will of God. Such wailing sets me up for gambling again. May God keep my ears alert to the tone of my own complaining.

Today I Will Remember
Hear my own complaints.

Tagalog Version
Ika-23 ng Marso
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang Gamblers Anonymous ay nagtuturo sa atin, sa pamamagitan ng karanasan, kalakasan, at pag-asa ng samahang ito, na ang pinakamasamang sitwasyon na maiisip ay hindi magpapahintulot ng pagbabalik sa pagsusugal. Gaano man kalubha ang isang partikular na sitwasyon o hanay ng mga pangyayari, ang pagbabalik sa ating dating paraan sa loob ng kahit isang minuto ay tiyak na magpapalala nito.

Nagpapasalamat ba ako sa pagmamalasakit at pagbabahagi ng Programa?

Ngayon Ipinagdarasal Ko...
Nawa'y igiit ko na walang batong sapat na mabigat para hilahin ako pabalik sa aking pagkagumon. Walang pasanin, walang pagkabigo, walang dagok sa aking pagpapahalaga sa sarili o pagkawala ng pagmamahal ng tao ang katumbas ng halaga ng pagbabalik sa dati kong pamumuhay. Kapag nagkikimkim ako ng mga pag-iisip na ang buhay ay sobra para sa akin, na hindi dapat asahang mananatiling matino ang isang taong labis-labis ang pasanin o na ako ang tanging dapat sisihin, hayaan kong pakinggan ko ang tono ng aking mga reklamo at tandaan na narinig ko na ang mga angal na ito noon—noon na iniisip kong wala akong kapangyarihan sa pagsusugal at ibinigay ang aking kalooban sa kalooban ng Diyos. Ang gayong panaghoy ay nagtutulak sa akin para magsugal muli. Nawa'y panatilihing alerto ng Diyos ang aking mga tainga sa tono ng aking sariling pagrereklamo.

Ngayon tatandaan ko...
Pakinggan ang sarili kong mga reklamo.